feedback on the new Garena Client
to Garena,

ayaw gumana nun site na nakalink sa message niyo para sa feedback ng v2 client kaya dito ko nalang ippost. this observation was made during the same time im installing LoL.

start!

? client login interface
+ plus points
○ username, password placement ok.
○ remember password ok
○ create new account link, good.
good overall


? 1st page pagkaopen ng client.
○ depende sa specs ng computer pero napansin ko, sa low spec comps matagal iload yung mga thumbnails ng mga laro. di ko alam pano nangyari yun pero baka pwede maoptimize niyo yun part na yun para sa low spec computers.
○ yung placement ng status, avatar, mga icons para messages, voice, settings, window control ok din, pero pag lumipat na ako ng page nawawala, sana andun lang yun kahit anong page ako pumunta sa client.

+ Plus points
○ dun sa thumbnail ng games, may bar na makikita pag nagddownload, ok yun.
○ yung isang thumbnail na place para sa general announcements, faqs, news, ok din.
○ yung placement pop out and hover in out na chat window, ok.
○ minimizeable sa system tray
○ yung buddies embedded sa client while hoverable and being on auto hide function, also collapsible is nice.

- minus points
○ pero nawawala yung hover function ng buddies pag pinop out na siya..sad.
○ nasaan ang icon para sa feedback or bug reports? meron ba sa client mismo? if wala...lagyan niyo.
○ sa status message, bakit di nalang mouse hover para makita ko buong nakasulat sa status ko if mahaba isinulat ko.


? voice chat room
○ i would have to leave this alone, di ko ginagamit to.


?PC Client payment
○the usual, nakalagay username and how much shells mayroon sa isang place clearly.

+ plus points
○ easy to use.

- minus points
○ sana dinagdag niyo din yung payment via mobile carrier ng converting shells.


? closing window to system tray
○ nakalagay lang " Garena - <UID> "

+plus points
○ the fact na nasa system tray.

- minus points
○ sana man lang yung status, info kung may dinadownload, incoming message etc nakalagay.


? chat window (popped out from client)
○ pop out chat window ok.

+ plus points
○ lockable siya sa side ng screen, nice.
○ kita kung ano nilalaro ng online friends ko via icon aligned sa name nila.
○ cellphone icon sa mga online sa garena mobile, ok.
○ pwede gumawa ng grouping, and with tags, nice.

- minus points
○ imbis na " X ", sana icon nalang na mukhang mamerge sa client window.
○ yung avatar ID lang nakasulat, kung di pa ihover di pa lalabas status message ko. tulad sana dati.
○ di ko pa maedit dito status message ko, dun pa sa client, tapos magbback pa ako sa home...grr.
○ may color ng login status pero di nacclick yung color. dapat pala yung avatar. gulo e.
○ may recent chat na icon, tapos may buddies icon...kahit tanggalin niyo na yung recent chat, basta yung recent na kausap or online nasa taas ng listahan, pwede na yun para bawas visual clutter.
○ tapos ang daming "+".
○ sana andito din yung voice room icon sa chat window pop out.

?chat box
○ how about a customizable color scheme?

+ plus points
○ adjustable font sizes, thank you.
○ voice function.
○ nice emoticons, sending screenshots, files etc, nice.

- minus points
○ mukhang kawawa mga color blind sa kulay na pinili niyo.
○ sana mousepointer resizeable yung chat box, hindi lang yung expandable sa 2 sizes.


? upon choosing a game (clicking on the game thumbnail)
○ boom, ayun ano nangyari, nawala yung mga icons, status, etc...sa taas, home at about nalang natira. sana andun lang yun lagi. may garena icon, back forward...may ifforward pa ba ako mula dito? para san pa yun?

+ plus points
○ de-scroll na news, announcements okay, cool.
○ patch info on the bottom left. nice.
○ language selection (if may pagpipilian, good)
○ big red indicator to open the game. ok.

- minus points
○ as mentioned above, nawala mga function icons sa taas ng window.

? downloading a game.
○ status for installation is clear.

+ plus points
○ displayed size ng game
○ status ng installation is displayed
○ download speed is displayed

- minus points
○ sana nakadisplay estimated time for completion.
○ sana may percentage din ng completion
○ ang liit buttons to resume or pause download.

? repairing
○ nagamit ko na to, parang dinownload niya lang yung buong laro eh haha.

so ayun lang. salamat.